Tatlong buwan... lumipas na ang araw, naubos na ang pasensya at luha. Araw-araw ay ganoon na lang ang sistema.. araw-araw nakasalamuha ko na ang iba't ibang mukha ng tsuper ng CATAJODA. Araw-araw din iba't ibang leksyon ang aking natututuhan. ANg nakatutuwa pa bago mag-alasais inaantabayanan na ako nila manong driver. Pagbungad ko pa lang sa sarili nilang gawa na terminal... nakabati na agad sila.. "Ayan na si MA'am... Biyahe n ako."
Kapag nagsimula na ang pag-ikot ng gulong ng kanilang makukula na xlt, kasabay noon ay ang pag-inog ng isang araw na naman ng bagong pagkatuto ko sa buhay.
No comments:
Post a Comment