Kahapon ay unang araw ng klase.
Nalibot ko ang pamantasan na gamit lamang ang mga mapaglakbay kong mga paa.
Unang asignatura. Ang guro ay wala.
Ikalawang asignatura. MAs lalo nang ang guro ay wala.
Hapon na. Ibig ko nang magwala.
Maghapong kapagurang ngunit hindi naman dapat makamtan.
Ngayon ay ikalawang araw na ng pasukan. Imbes na pumasok ako ay nananatiling nakahimlay.
Mas nanaisin ko pang paglaruan ang mga letra habang ako'y nagtitipa kaysa pumasok sa eskuwela kung saan ang mga asignatura ay walang gurong nakalaan.
Nakatapos na ako ng dalawang semestre sa aking kurso. Walang pinagbago, hanggang ngayong 'summer' hayan, walang guro upang hawakan ang aming mga asignatura.
Lagi na lang ganito. Kadalasan nga'y dalawa o higit pang linggo ay nasasayang lang dahil walang pasok sapagkat walang gurong nakatalaga upang magturo.
Anu nga bang dahilan? Bakit lagi na lang ganito ang aming nararanasan?
Hayan, ako'y hindi tutungo sa kolehiyo upang mag-aral. Ako'y magsisipag na lamang sa pagtipa ng mga letra na sa aki'y lubhang may kabuluhan.
No comments:
Post a Comment