Sa pagkakataong ito, hayaan ninyo pong Filipino ang magamit kong salita. Ito po ay sa kadahilanang nais ko pong ibuhos ang anumang damdamin ang sa aki'y nais mamutawi.
Ang awit na 'collide' ay isa sa mga bagay na kahit ayaw ko na ay hindi pa rin maalis sa aking sistema. Animo siya bawal na gamot na kinalulungan ko na ng sobra.
Ang sabi ng awiting yaon...
Even the best fall down sometimes
Even the wrong words seems to rhyme...
Somehow find you and I collide...
I'll follow... you'll go...
Masakit mang isipin ngunit isa lang ang ibig sabihin. Tama nga naman at darating din ang isang sandali kung saan ang dalawang bagay na hindi man magkatugma kahit sa isang pagkakataon sila ay pwede na rin. Ngunit laging tandaan na ang hindi ukol, kailan man ito'y hindi bubukol.
Maaaring magkaroon ng pagkakataon na malasap mo ang kaligayahang dulot ng katuparan ng matagal mo ng pangarap.Ngunit ito nga ba'y hanggang kailan?
Ang mensahe ng awit na 'collide' ay nagbibigay lamang ng panandaliang pag-asa, nagbubuhos ng panandaliang saya. Sa pagsapit ng umaga at handa ka ng gumising mula sa malalim mong pangangarap, iyo na lamang mababatid na ang lahat ng ito'y walang saysay. Ikaw ay tila humakbang lang sa isang panaginip at ngayon ang tulay na nagdudugtong sa inyo'y dagli ding nawala.
Ang bawal kahit ano pa ang iyong ikatuwiran ay bawal pa rin. Sagutin: Ang 'wrong spelling' ba ay mali?
No comments:
Post a Comment