Habang pababa sa hagdanan ng aming dormitoryo aking napansing palabas ang pelikulang matagal ko nang kinagigiliwan.
'Edward Scissorhands'
... ang titulo ng palabas
... ang nagsasabi na tayong lahat ay espesyal
... ang nagpapakita na ang mudo'y may kalupitan
... ang nagtanggal ng aking kainipan sa loob ng mala-plaza na dormitoryong aking kinalalagyan
... ang nagpasimulang muli ng aking kadaldalan.
Ennui!
... salitang ang katumbas sa ingles ay'boredom'
... ang aking naramdaman matapos ang may trenta y minutos na pagtunghay sa telebisyon
... ang nagbunsod ng aking pag-akyat sa silid numero otso
... ang sanhi kung bakit ang naging paksa ng aming usapan ay ang mga taong may katrayduran
Kasipagan
... ang aking kailangan upang mapilit ko ang sarili ko na bumangon mula sa higaang akin ng minahal nang tuluyan
... ang dapat kamtin upang ako'y magkaroon ng kakayahang gupuin ang kagustuhang hindi pasukan ang kaisaisahang klase ngayong araw
... ang bagay na matagal ko ng hinahanap ng yaong kainipan ay aking matakasan.
No comments:
Post a Comment